MOVIE REVIEW: 'The Third Party': matapang na pagtalakay sa same sex relationship | Bandera

MOVIE REVIEW: ‘The Third Party’: matapang na pagtalakay sa same sex relationship

- October 13, 2016 - 12:53 PM

the third party

Kahapon ay sinimulan nang ipalabas ang pelikulang ‘The Third Party’ na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Sam Milby kung saan matapang nitong inilahad na panahon na para tanggapin sa bansa ang same sex relationship.

Kwento ito ng dating mag-dyowa na sina Andy (Angel) at Max (Sam) na magkikita muli makalipas ang ilang taon kung saan ang karelasyon na ng huli ay si Christian (Zanjoe).

Maraming makakarelate sa sitwasyon ni Andy na kung saan malalaman niyang ang kanya palang karibal sa dating boyfriend ay hindi isang babae kundi isang lalaki.

Bihira ang tema ng isang pelikula ay tungkol sa same sex relationship at paano tatanggapin ng pamilya, lalu na ang mga tatay sa kasarian ng kanila anak.

Napakaepektibo ni Zanjoe sa kanyang pagganap bilang bakla kung sa talagang ipinakita rito ang kanyang galing sa pag-arte.

Siyempre, alam ng lahat ang galing ni Angel.

Kumpleto rin sa rekado ang ‘The Third Party’ kung saan talagang maaaliw kayo at talagang tatawa sa mga eksena sa pagitan ng mga bida.

Kung magaan ang luha nyo, talagang mapapaiyak kayo sa ilang bahagi ng pelikula.

At siyempre ang pinaka importante sa pelikula ay ang aral na mapupulot dito, kabilang na ang pagtanggap sa pagkatao ng isang minamahal at ang aral kaugnay ng pagmamahal ng magulang sa anak.

Isa pang moral lesson na binibigay ng pelikula ay pagkakaroon ng tapang ng isang tao na tanggapin ang sarili para matanggap din siya ng ibang tao.

Hindi ito ang unang pagkakataon na gumanap si Zanjoe bilang bakla at kering-keri niya talaga ang kanyang
role bilang edukadong gay.

Kitang-kita ang chemistry ng tatlong bida. Pinaka highlight para sa akin ng pelikula ay ang nanatili pa ring magkakaibigan ang tatlong bida sa kabila ng kanilang naging karanasan sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung bibigyan ko ng iskor ang pelikula kung saan 10 ang pinakamataas, 9 ang ibibigay ko dahil sa pagsusulong nito sa karapatan ng LGBT.

Ano pa ang hinihintay nyo? Nood na para malaman nyo kung sang-ayon kayo o hindi sa sinasabi ko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending