Hamon sa kongreso, senado: Kuning witness si Osang sa 'bilibid scandal' | Bandera

Hamon sa kongreso, senado: Kuning witness si Osang sa ‘bilibid scandal’

Ronnie Carrasco III - October 13, 2016 - 12:30 AM

osang roces

MAY nagsusumigaw na panawagan among the citizens: isalang daw si Rosanna Roces sa pagdinig (sa Senado o sa Lower House) para “ikanta” na niya ang lahat ng kanyang nalalaman.

For the sake of argument—ipagpalagay na nating posibleng ikunsidera ng mga mambabatas ang presensiya ni Osang—maraming factor muna ang dapat isaalang-alang.

Oo nga’t maaaring gamiting basehan ang anumang pagbubunyag ni Osang, pero paano naman ang kanyang psychological well-being sa takdang araw ng inquiry?

Kilala namin si Osang dahil ilang panahon din namin siyang nakatrabaho sa now-defunct na Startalk.

Kuwela kung sa kuwela si Osang pagdating sa pag-iinterbyu ng kanyang subject, madalas pa ngang may halong kapilyahan na posibleng ikakansela ng programa.

Pero huwag na huwag itataon na lukuban si Osang ng matinding emosyon, she could be a loose cannon na kahit sinu-sino na lang ay maaaring masapul and she couldn’t care less.

Kung sakali mang may gustong makatas ang mga mambabatas sa kanya, for sure, it will be a conditional appearance. Under the threat of being charged with human trafficking, posibleng hilingin ni Osang na ipawalang-sala siya sa kasong ito kapalit ng kanyang bare-all testimony.

At dahil big-time na drug lord ang sangkot—na ayon nga sa kanya’y parokyano niya sa mga dinadala niyang human commodity—posible rin na hilingin ni Osang na isailalim siya sa Witness Protection Program ng DOJ. Also, the reference to a PDEA personnel na umano’y protektor niya—believed to be above the law—so warrants her safety.

Gone are Osang’s stripped-from-waist-down days which made her both popular and controversial, baka sa pag-asang sisikat siyang muli ay huhubarin na niya nang todo-todo ang saplot ng totoong kalakaran sa piitan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending