Angel nanahimik lang nang mabuking ang pagloloko ng ex-BF
Mas pinili na lang ni Angel Locsin ang manahimik nang malaman niyang may third party ang isa sa naging boyfriend niya noon.
Ito ang naging dahilan kung bakit nasira ang kanilang relasyon na nauwi nga sa hiwalayan.
Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda nitong nakaraang Lunes, tinanong ang female lead star ng pelikulang “The Third Party” kung paano niya hinarap nang malaman niyang may ibang babae ang kanyang ex-boyfriend.
“Wala rin ho. Nanahimik din lang po ako. Tahimik ka lang kasi, ano pa bang gagawin?” ang paliwanag ni Angel.
Dugtong pa ng Kapamilya actress, “’Yung fact na napalitan ka, masakit naman talaga. Pero may tinatawag na moving on, so ‘yun na lang. Kasi malay mo sila naman ang para sa isa’t isa talaga.”
So, paano raw ba ang best way para mag-move on? “Don’t look back,” maikling tugon ng ex-girlfriend ni Luis Manzano.
Sa nakaraang presscon ng latest movie ni Angel na “The Third Party” with Sam Milby and Zanjoe Marudo inamin niyang nagloko nga ang isa sa mga dati niyang naging dyowa pero hindi niya ito pinangalanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.