Jaclyn Jose sa bastos na basher: Wala kang karapatang tapak-tapakan ang pagkatao ko!
NAGPUPUYOS sa galit ang Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose nang mabasa ang pambabastos ng isang netizen sa kanyang anak na si Andi Eigenmann.
Ito may konek pa rin sa paglabas ng balita na hindi si Albie Casino kundi ang isa pang ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito ang biological father ng anak niyang si Ellie.
Noong nakaraang linggo, ilang netizens na rin ang sinagot ni Jaclyn dahil ayaw tantanan ng mga ito si Andi, mas lalo pa siyang na-offend nang pati ang apo niyang si Ellie ay nilalait na rin ng mga basher.
Kanina, kumalat sa Instagram ang naging sagot ni Jaclyn sa isa na namang netizen na nang-okray sa kanya at sa kanyang anak at apo. Tinawag pa siya nitong “loser” at sinabihan namang “whore” si Andi.
Narito ang matapang na sagot ng Kapuso actreess sa nasabing basher: “I will make sure that DOLE will deal with you Wala ka alam.
“Hindi mo alam kung pa’no ko pinaghirapan palakihin ang anak ko, hindi mo ako kilala, wala ka karapatan tapakan pagkatao ko. Sisiguraduhin ko na babalikan kita.”
Pero hindi pa rin dito tumigil ang kaaway ni Jaclyn dahil muli itong nag-post na mga maaanghang na salita laban sa mag-ina. Tinawag pa sila nitong mga ipokrita.
At hindi rin ito pinalampas ni Jaclyn, hirit ng ina ni Andi, “Gago ka! Hindi ka ba kinikilabutan sa ginagawa niyo sa apo ko?! Sumusobra na kayo. I am asking help from DOLE. I will find you and pay for what you have said to my granddaughter.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.