Net trust rating ni Duterte bumaba ng 3%, pero ‘excellent’ pa rin -SWS
- October 11, 2016 - 03:25 PM
Nanatili sa ‘excellent’ level ang net trust rating ni Pangulong Duterte bagamat nakapagtala ito ng pagbaba, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Ayon sa survey na isinagawa noong Setyembre 24-27, nakapagtala si Duterte ng 76 porsyentong net trust rating— 83 porsyentong much trust, walong porsyentong little trust at siyam na porsyentong undecided.
Sa survey noong Hunyo 24-27, si Duterte ay nakapagtala ng 79 porsyentong net trust rating— 84 porsyentong much trust, limang porsyentong little trust at 11 porsyentong undecided.
Sa pamantayan ng 70 porsyento pataas na net rating ay excellent, 50 hanggang 69 ay very good, 30 hanggang 49 ay good, 10 hanggang 29 ay moderate, 9 hanggang -9 neutral, -10 hanggang -29 poor, -30 hanggang -49 bad, -50 hanggang -69 very bad at 70 at mas mababa pa execrable.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents— tig-300 sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang mga respondent ay tinanong: Maaaring po bang sabihin ninyo kung ang pagtitiwala ninyo kay (Duterte) ay napakalaki, medyo malaki, hindi tiyak kung malaki o maliit, medyo maliit, napakaliit.
Read more: https://bandera.inquirer.net/133922/net-trust-rating-ni-duterte-bumaba-ng-3-pero-excellent-pa-rin-sws#ixzz4MnREYT2q
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending