Ika-20 NCAA men's basketball crown target ngayon ng San Beda Red Lions | Bandera

Ika-20 NCAA men’s basketball crown target ngayon ng San Beda Red Lions

Angelito Oredo - October 11, 2016 - 01:00 AM

 

ncaa finals

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. San Beda vs Mapua (jrs)
4 p.m. Arellano vs San Beda (srs)

KABUUANG ika-20 korona at ikasiyam sa nakalipas na 11 taon.

Ito ang pilit na susungkitin ngayong hapon ng San Beda College Red Lions sa muli nitong pakikipagharap sa Arellano University Chiefs sa Game Two ng NCAA Season 92 men’s basketball best-of-three finals sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Una munang magtatangka ang Mapua Red Robins na masungkit ang una nitong NCAA juniors basketball championship sa makalipas na 16 taon sa ganap na alas-2 ng hapon sa pagsagupa nito sa San Beda Red Cubs na asam na masungkit ang makasaysayang ikawalong sunod na korona.

Agad itong susundan ng tampok na salpukan sa pagitan ng Red Lions at Chiefs na magtatangkang ihatid ang serye sa winner-take-all Game 3.

Matatandaan na sinandigan ng Red Lions si Robert Bolick upang itakas ang 88-85 panalo kontra Chiefs sa Game One noong Huwebes.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Beda para masungkit ang ika-20 nitong titulo na siyang pinakamarami ng isang koponan sa liga.

“If Game One is hard, expect Game Two to be hardest because we know Arellano will adjust,” sabi ni Jamike Jarin na nasa kanyang ikalawang taon bilang coach ng San Beda.

Noong isang taon ay naihatid din ni Jarin ang Red Lions sa NCAA Finals pero nabigo sila kontra Letran Knights.

Inihulog ng 21-anyos na si Bolick ang dalawang free throws na nagtabla sa laban sa iskor na 82, may apat na minuto pa sa laro, bago nagawang makawala para sa isang layup matapos ang pag-aagawan sa bola sa natitirang 27.1 segundo na nagtulak sa abante at panalo ng Red Lions.

Isinalpak pa nito ang dalawang free throws sa huling 3.7 segundo para itulak ang San Beda sa tatlong puntos na abante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umaasa naman na makakabawi ang Arellano na sasandigan muli si Jio Jalalon na umiskor ng 21 puntos kahit na nalimitahan sa ikaapat at huling yugto partikular na sa krusyal na bahagi ng labanan.

Asam din ng Red Robins ang ika-21 nitong titulo na kulang na lamang ng isa sa hawak na rekord na 22 korona ng Red Cubs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending