Sex video raw ni Sen.Leila de Lima napirata na? | Bandera

Sex video raw ni Sen.Leila de Lima napirata na?

Ambet Nabus |October 09,2016
facebook
share this

Sex video raw ni Sen.Leila de Lima napirata na?

Ambet Nabus - October 09, 2016 - 12:25 AM

leila de lima

HALIMBAWA ng isang walang kuwentang “showbiz talk show” ang isinasagawang hearing sa Kongreso tungkol sa pagkakasangkot ni Sen. Leila de Lima sa Bilibid scandal at sa diumano’y sex video nito.

Nakaka-turn off pa ang ang ginawa ng isang Mambabatas kung saan ipinaarte pa nito sa isang witness ang umano’y napanood nito sa pinag-uusapang sex video raw ni Sen. de Lima at ng sinasabing driver-boyfriend nito.

“I cannot visualize or help me visualize,” or words to that effect na sey ng congressman na nag-utos sa witness.

Kaya ang ending, ultimo ang makasaysayang saging na saba na isinubo raw ng dyowa ni Sen. De Lima nang minsang kumain sila ay ginawan na rin ng kuwento ng ating mga kababayan na in-associate pa sa sex life ng senadora.

Ano pa ang silbi ngayon ng hindi nila pagpayag na maipalabas ang sinasabing sex video eh, halos mas naging malaman pa nga ang imahinasyon ng marami sa narinig na salaysay ng isa sa mga witnesses.

And take note, kakaiba raw ang bentahan ngayon ng mga DVD copies ng sinasabing sex video ng senadora. Ang tanong, iyon nga kaya ang video na tinutukoy ni Pangulong Duterte o baka naman peke?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending