Ex-sexy star na may kaso sa Pinas maligaya na sa ibang bansa
MAY mga kababayan tayong nakakita sa isang dating sexy star sa ibang bansa. Malaki na ang naging pagbabago ng kanyang itsura, lalo na ng kanyang katawan, mukhang nanay na nanay na ang dating nagpapaseksing babae.
Kung matatandaan ay biglang lumipad sa ibang bansa ang nasabing female personality kasama nag kanyang karelasyon dahil sa isang malaking usaping pampinansiyal na hinahabol sa kanila ng isang malaking kumpanya.
Kinasuhan sila ng magkakasosyo nang mahalata ng mga ito na nagiging sobrang paboloso na ang pamumuhay ng magkarelasyon, kaso ang isinampal sa kanila, pero huli na ang lahat.
Anumang oras ay puwede na pala silang bumiyahe papunta sa ibang bansa, pinagplanuhan nila ang pag-alis, dahil pati ang mga dokumento ng kanilang mga anak ay napaghandaan na rin nila.
Kuwento ng aming source, “Nakita namin si ____ (pangalan ng female personality) sa grocery, ibang-iba na ang itsura niya. Parang tumanda siya nang sobra-sobra sa age niya, saka ang taba-taba na niya!
“Pero mukhang living in style pa rin siya dahil tatlong cart na ang napapamili niya, e, ikot pa rin siya nang ikot sa paggo-grocery. Madatung pa rin ang dating niya.
“Nu’ng tapos na siyang mag-grocery, sinundo siya ng husband niya, kilalang-kilala namin ang lalaking ‘yun, naka-headline kasi siya sa atin nu’ng umalis kami ng family ko para tumira na sa ibang bansa.
“Kumusta na kaya ang kaso nila? ‘Yun ba ang reason kung bakit hindi na sila makabalik d’yan sa atin? Di ba, ang kalaban nila sa kaso, e, ‘yung guy na napaka-controversial din d’yan sa atin dahil sa issue sa kanila ng isang actor-TV host?
“Ibang-iba na ang itsura ngayon ng girl, kahit shadow lang ng pagiging sexy star niya nu’n, e, hindi mo na makikita ngayon sa kanya. Bariles na ang body niya!” kuwento ng aming source mula sa ibang bansa.
Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, sasaluduhan namin kayo kapag natumbok n’yo kung sinu-sino ang bumibida sa kuwentong ito. Pramis!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.