Andi nagmaldita pa sa halip na mag-sorry at aminin ang kasalanan kay Albie Casino | Bandera

Andi nagmaldita pa sa halip na mag-sorry at aminin ang kasalanan kay Albie Casino

Cristy Fermin - October 09, 2016 - 12:10 AM

andi eigenmann at albie casino

WALANG maaasahang pang-unawa ng publiko si Andi Eigenmann kung ipagpapatuloy niya ang pakikipag-argumento sa mga netizen.

Hindi pa nga niya naisasalba ang kanyang sarili sa matinding pagkapahiya ay inuuna pa ng babaeng ito ang pakikipagdakdakan sa mga pumapansin sa kanyang kawalan ng pakialam.

Ang inaasahan kasi mula sa kanya ng ating mga kababayan ay ang pagiging mapagkumbaba, ang hindi pagmamaldita, dahil siya ang nakalatag ngayon sa kamalayan ng sambayanan tungkol sa tunay na ama ng kanyang anak.

Simple lang naman ang gustong makita-marinig ng mga netizen mula sa kanya, ‘yun ang panghihingi ng paumanhin kay Albie Casino, ang inupak-upakan niyang aktor dahil sa diumano’y pagtalikod sa isang matinding obligasyon para sa kanyang anak.

Pero napahiya na nga si Andi, lumabas na ang totoo na si Jake Ejercito ang tunay na ama ni Ellie, ang panghihingi niya ng sorry kay Albie ang hinihintay ngayon ng ating mga kababayan.

Pero hindi ganu’n ang lumalabas ngayon, pakiramdam ng mga netizen ay wala siyang kaplanu-planong humingi ng dispensa kay Albie Casino, sa halip ay nakikipagtaltalan pa siya ngayon sa mga kababayan natin sa social media.

Kapag nagpatuloy ang pagiging pikon ni Andi Eigenmann ay malayo pa ang panahon ng pagbibigay ng pang-unawa sa kanya ng publiko.

Ang parang wala lang na dating ni Andi ang lalong magbabaon sa kanya sa inis ng ating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending