Rez Cortez may pakiusap kay Duterte; Winarningan ang mga durugistang artista | Bandera

Rez Cortez may pakiusap kay Duterte; Winarningan ang mga durugistang artista

Ronnie Carrasco III - October 08, 2016 - 12:40 AM

 

rez cortez

BILANG pangulo ng Actors’ Guild, nananawagan din si Rez Cortez na kung maaari’y huwag pangalanan ang mga kabaro niyang umano’y sangkot sa droga— user o pusher man.

At the same time, Rez is calling on his colleagues to make a voluntary surrender na maaaring gawin ng mga ito either sa pakikipag-ugnayan sa kanya or direkta na sa mga kinauukulan.

On both pleas, nauunawaan namin ang rationale na nakapaloob dito. While Rez supports the government’s intensified, no-nonsense campaign against illegal drugs ay nais din niyang protektahan ang imahe ng mga artista.

For sure, kung si Rudy Fernandez man ay buhay at nagkataong siya ang tagapamuno ng Actors’ Guild na hinawakan niya nang ilang taon, the Mark Anthony Fernandez that we know bilang kanyang anak—who was recently nabbed dahil sa isang kilong marijuana—wouldn’t escape arrest.

Hindi ba’t ipina-rehab pa nga nila ito ni Alma Moreno noon, ‘yun nga lang ay hindi nakumpleto ni Mark ang kabuuang programa.

Pero iba ang panahon ng pamumuno noon ni Daboy sa panahon ngayon. Hindi lang mas lumaganap ang paggamit ng droga, mas kinailangan pa ng kamay na bakal sa katauhan ni Pangulong Rody Duterte this time with a much firmer resolve na sugpuin ito or else there’d be bloodshed, hence, ang kontrobersiyal at most criticized na extra-judicial killings.

Pending release of the PDEA watch list ay tatlo na, so far, ang nasampolan ng sunud-sunod na pagtugis sa mga artista. Buena mano ang dating starlet na si Sabrina M, followed by another starlet na si Krista Miller. Si Mark, kung tutuusin, ang may ‘di hamak na mas malaki ang pangalan.

Yes, we expect more arrests in the coming days, at ‘yun ay bunga na rin ng pagmamatigas o katigasan ng ulo ng ilan pang mga artista who probably undermine the rule of law. Sila ‘yung mga artista na iniisip na isang malaking katarantaduhan ang isuko ang kanilang mga sarili, when the impact of either turning themselves in or getting caught is just the same: public humiliation.

Pero kesa naman humantong pa ‘yon sa pagdanak ng dugo, ‘yun ba ang kanilang gugustuhin? Won’t the public—judgmental at first—turn sympathetic and forgiving sa mga taong handa namang ayusin ang kanilang buhay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending