Barangay captain, 6 pa tepok sa drug operation sa Quiapo | Bandera

Barangay captain, 6 pa tepok sa drug operation sa Quiapo

- October 07, 2016 - 06:49 PM

gun16

PITO ang nasawi, kabilang ang barangay chairnan, at mahigit 200 ang nadakip sa isinagawang “one-time big-time” police operation sa Quiapo, Maynila.
Kinilala ang nasawing barangay captain na si Faiz Macabato ng Barangay 648, Zone 67.
Umabot naman sa mahigit 200 na itinuturing na persons of interest ang dinampot ng pulisya sa operasyon sa Islamic Center Compound at sa iba pang mga lugar sa Quiapo.
Kabilang sa nasakote ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) na si Sambetory Macaraas Sarip, 33.
Nakuha mula kay Sarip ang kanyang ID, uniporme niya sa BIAF, at dalawang vault.
Nagtungo sa lugar si Manila Mayor Joseph Estrada para personal na tingnan ang isinagawang operasyon.
Sa dami ng mga naaresto, isinakay sila sa mga pampasaherong jeep para madala sa presinto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending