Andi: Wala akong dapat ipaliwanag, hindi n’yo alam ang buong kuwento!
WALA raw dapat ipaliwanag si Andi Eigenmann sa madlang pipol tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan niya ngayon.
Sa kabila ng sandamakmak na pambabatikos sa kanya sa social media matapos bumandera ang balitang si Jake Ejercito raw at hindi si Albie Casino ang tatay ng kanyang anak, walang balak mag-explain si Andi.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ng kanyang litrato ang Kapamilya actress na may mahabang caption na pinaniniwalaang patungkol sa kanyang bashers na ayaw tumigil sa panlalait at pambabastos sa kanya.
Hinahamon din siya ng mga tagasuporta ni Albie na mag-sorry sa aktor at sa nanay nito na nasaktan sa ginawa niyang pagtatago ng katotohahan tungkol sa tunay na ama ng anak.
Narito ang kabuuang mensahe ni Andi sa IG: “I have endured, I have been broken, I have known hardship, and I have lost myself. But here I stand, still moving forward, growing even stronger each day, guided by the constant blessings in my life.
“I guess this means I’ve been doing something right. I do not require validation from anyone, specially those who do not know my story—which is why I have nothing to explain.
“I don’t mind those who misunderstand me for they are proof that I have actually stood for something in life. I, just like any other human, will determine my own story, not anybody else.
“What this last obstacle has taught me is that you can’t touch women who can wear pain like diamonds around her neck.”
Ito naman ang naging sagot ni Andi sa isang basher na nagsabing dapat lang siyang mag-sorry sa mga taong nasaktan niya, “No offense but how do you know I have not?
“The point is that I don’t know you and you unlike they are, aren’t a part of my life to be in a position to give me advice as though I actually have not, more so to know exactly what I should be sorry for.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.