Sumabog ang Bulkang Bulusan kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Tumagal ng 15 minuto ang minor phreatic eruption na sinabayan ng mahinang lindol.
Hindi umano masyadong pansin ang pagsabog dahil sa makapal na ulap sa bibig ng bulkan.
May naitala namang pagbagsak ng abo sa Gubat at narinig ang dumadagundong na tunog sa Brgy. San Roque, Bulusan.
Nakapagtala ang seismic network sa lugar ng 40 volcanic earthquakes sa nakaraang 24 oras.
Nananatili ang Alert Level 1 sa Bulusan na nangangahulugan na posibleng magkaroon ng steam-driven eruption. Ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng apat na kilometro mula sa bunganga ng bulkan.
Pinag-iingat din ang mga piloto na dumaraan sa lugar dahil maaaring magkaroon ng phreatic eruption na masama sa eruplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending