Mark Anthony posibleng mabulok sa kulungan dahil sa 1 kilong marijuana | Bandera

Mark Anthony posibleng mabulok sa kulungan dahil sa 1 kilong marijuana

Cristy Fermin - October 06, 2016 - 12:10 AM

mark anthony fernandez
IBA-IBA ang mga kuwentong lumalabas ngayon tungkol sa pagkahuli kay Mark Anthony Fernandez at pagkadiskubre sa isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana sa kanyang kotse.

Nakapagdududa para sa marami ang malaking bulto ng damo, isang kilo raw, bakit at paano raw bibili ng ganu’n karaming marijuana ang aktor kung pangpersonal lang naman niyang gamit ‘yun?

Ang inaasahan ng mga kababayan natin ay ilang sticks lang, konti lang, nagtutulak daw ba ng marijuana si Mark para mahulihan siya nang isang kilong damo?

Sa drug test na ginawa kay Mark Anthony ay lumalabas na ligtas siya sa iba pang mga ipinagbabawal na gamot, marijuana lang ang positibong nadiskubre nang sumailalim siya sa drug test, pero walang bumibili sa kanyang katwiran na ginagamit niyang gamot ang marijuana.

Sa maraming pagkakataon ay lumalabas na ang mga kuwentong kinapapalooban ni Mark sa linya ng kanyang trabaho.

Palagi siyang late sa taping, bumabakel siya sa mga dayalog, masyado siyang mainipin.
No bail recommended ang kaso ni Mark Anthony, hindi siya puwedeng magpiyansa, mahabang panahon ang kailangan niyang ipamalagi sa piitan.

Nakapanghihinayang ang isang tulad ni Mark Anthony Fernandez na hindi lang itsura ang puhunan sa pag-aartista, magaling siyang umarte, may malalim na hugot ang kanyang pagganap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending