Nakawan sa bahay ni JED MADELA inside job | Bandera

Nakawan sa bahay ni JED MADELA inside job

- April 22, 2013 - 05:17 PM

jed madelaNAKAKATUWA ang partner ko sa “Mismo” program namin sa DZMM na si Papa Ahwel Paz na nagkuwento tungkol sa recent na naganap kay Jed Madela.

Nanakawan daw kasi si Jed ng malaking halaga at ilang kagamitan recently sa kanyang bahay.

Yung malaking halaga raw na iyon ay kita ng napagbentahan ng album niya.

Yung magnanakaw daw ay nag-iwan ng bakas ng dumi sa bintana ng kuwarto ni Jed.

Sa likod daw tinira ang magnanakaw – meaning, sa likod daw ng bahay ni Jed dumaan ang magnanakaw.

Tawa kami nang tawa dahil bading na bading ang deskripsiyon ng nakawan.

Sumakit ang tiyan namin sa katatawa instead na maawa kay Jed.

Yung awa nandoon naman kaya lang, yung pagkuwento kasi ni Papa Ahwel ang nakakatawa.

Yung aso raw sa bahay ni Jed ay hindi kumahol – meaning, kilalang-kilala ng aso ang magnanakaw. Kasi di ba, ang aso ay aso – pag stranger ka, kakahulan ka talaga pero pag sanay na sa ‘yo, maamo ito.

Ganoon daw ang scenario.

Kaya lilipat na lang daw si Jed ng bahay.

Nagtataka naman kami kung bakit kailangang mag-iwan ng malaking pera si Jed sa bahay niya – sana dineposit niya sa bangko para safe lalo pa’t pinagbentahan pala ito ng kanyang album.

Kungsabagay, may times na ganoon – na nagsisisi na lang tayong nawala pag nangyari na.

Hindi kaya may pinapasok na male guests si Jed sa bahay niya?

Kasi balitang maraming male friends si Jed na pumupunta sa place niya at baka dahil regular visitor naman ay maaaring kilala na ng aso niya.

Hindi rin daw sinira ang pinto ng bahay, basta alam lang daw ng magnanakaw kung saan nakalagay ang dahtung at iyon lang ang napuntirya nito plus yung mga cellphone and other items ang kinuha.

Hay naku, mahirap talagang manakawan.

Mabuti na lang at walang nasaktan sa bahay nila nang maganap ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kumbaga, pera lang talaga ang habol – not Jed’s life. Thank God pa rin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending