Matatakasan pa ba ang kerida?
Sulat mula kay Arnold ng San Isidro, San Simon, Pampanga
Dear Sir Greenfield,
May ibinahay akong babae at may isa kaming anak bukod pa sa legal kong pamilya. Ang problema simula ng humina ang kita ko sa pinapasukan kong kumpanya parang hindi ko na kayang suportahan ang babaing kinasakama ko dahil sa sobrang taas ng mga gastusin, lalo na ngayong imbis na madagdagan ang mga sidelines ay nabawasan pa. Balak ko na sana siyang iwanan ang kaso kapag daw naghilaway kami nagbanta siya na ibibisto daw niya sa tunay kong asawa ang relasyon namin at ang anak ko sa kanya. Nalilito na ko sa ngayon sa kakaiisip kung paano ang aking gagawin bukod pa sa unti-unti na rin akong nababaon sa mga utang nang hindi alam ng legal kong asawa. Lotto na nga lang png pag-asa ko upang muling makabangon kasi hindi ko na talaga inaasahan ang suweldo ko na sobrang liit na sa ngayon. Sana matulungan ninyo ako upang walang masaktan o mamroblema sa dalawa kong pamilya. October 10, 1983 ang birthday ko.
Umaasa,
Arnold ng San Simon, Pampanga
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sa ayaw at sa gusto mo magkakahiwalay din kayo ng iyong kerida. Ito ang nais sabihin ng gumulo at nababoy na ikalawang Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Tanda na kaunting panahon na lang ang hinihintay pikit-matang magdedesisyon ka na na hiwalayan na ang babaing kinakasama mo sa ngayon,
upang kasabay nito maisip mo na ring maging “going straight” at maging “good boy” na ama at asawa.
Cartomancy:
Seven of Diamonds, Eight of Diamonds at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha nagsasabing higit na titino at uunlad ang buhay mo kung ititigil mo na ang pambabae, at kung magiging going straight ka na sa tunay mong pamilya, ang lahat ng ito ay kusa namang mangyayari mula sa taong 2017, 2018 hanggang 2019.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.