Mapormang male celebrity dugyutin kaya tinawag na ‘Smellany Marquez’
BAKA naman puwedeng pagsabihan ng kanyang malalapit na kaibigan ang isang aktor na matagal nang napapabalitang may karumihan sa katawan pero hanggang ngayo’y hindi pa rin gumagawa ng paraan para hindi siya mapintasan.
‘Yun ang hiling ng aming source na madalas nakakatrabaho ng aktor, palagi na nga naman kasing naba-blind item ang male personality tungkol sa kakapusan niya ng panahon na asikasuhin ang kanyang personal hygiene, pero hanggang ngayo’y may kadugyutan pa rin siya sa katawan.
Siguro nama’y nakararating din sa aktor ang mga nasusulat na pitik-bulag tungkol sa kanya dahil napakadaling bigyan ng clue ang kanyang pagkakakilanlan, pero parang walang pagbabago, talagang siya pa rin ang tinatawag na “Smellany Marquez” ng kanyang mga nakakatrabaho.
Kuwento ng aming source, “Ewan naman kung paano nakakatagal sa lalaking ‘yun ang mga nagiging girlfriend niya. Katamaran na ‘yun actually, dahil hindi naman siya ang klase ng artistang walang pahinga sa katatrabaho.
“He has time naman for himself kung gugustuhin niya, sobra-sobra ang panahon niya, pero bakit marumi pa rin siya sa katawan? Pag may sipon siya, singhot lang siya nang singhot, ayaw niyang mamuhunan ng tissue paper!
“Ang mga kuko niya, marurumi, magkano lang ba naman ang nailcutter kung wala siyang panahong magpa-manicure at pedicure? Katamaran na ‘yun, siya na talaga ‘yun, sa totoo lang!” kuwento ng aming source.
Maporma pa naman ang nasabing male personality, maganda siyang magdala ng damit, kaso lang ay talagang mapapansin agad ang marumi niyang katawan.
“Sa totoo lang, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, nakababawas pala sa kaguwapuhan ang maruming katawan ng guy. Ipatapon n’yo nga ang mokong na ‘yun sa isang bayan sa isang probinsiya sa South!” pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.