Toni 38 oras nag-labor; pangalan ni Baby Seve kinuha ni direk Paul sa pelikulang E.T.
PROUD tatay na ipinost ni direk Paul Soriano sa kanyang Instagram account ang litrato ng panganay na anak nila ni Toni Gonzaga na si Severiano Elliott o Baby Seve.
Hindi ipinagdamot ng direktor at ni Toni ang photo ng kanilang unang baby sa kanilang social media followers. Sa katunayan, ini-screenshot pa nga ni direk Paul ang lumabas na photo ni Babay Seve sa TV Patrol at ipinost sa IG.
Nilagyan pa niya ito ng caption na: “My little boy on TV #BabySeve #SeverianoElliottGonzagaSoriano.”
Hindi rin napigilan ni Toni ang kanyang excitement sa paglabas ng kanyang unang pamangkin. Nag-post din siya ng picture ni Baby Seve sa kanyang IG account na may caption na: “No bias but baby SEVE is the cutest baby in the world!!!!!!!!!! Sa wakas at nairi ka na ni inang ate!”
Sa panayam naman ng TV Patrol kay Paul sinabi nitong kakaiba ang feeling nang marinig niya ang unang iyak ni Baby Seve, “It was the best crying sound ever.”
Kuwento pa ng direktor, “Toni wanted a normal delivery and she fought for it. She fought for it. I mean 38 hours of labor and about almost three hours of pushing. There were even times there she was kind of passing out na. When she’s fully dilated already, the head was coming out. The last few pushes were really tougher.”
Tungkol naman sa name ng baby, “Toni trusted me with that. I chose the name Severiano because my favorite golfer is Severiano Ballesteros, a Spanish golfer. And then Elliot is from E.T., from the lead character in E.T. my favorite movie. The reason why I like films.”
Nauna nang nag-post si direk Paul sa kanyang IG tungkol sa panganganak ng kanyang asawa, aniya, “Severiano Elliott Gonzaga Soriano (Seve) has arrived! Born 5:23am on Sept. 30, 2016 at 7.2 lbs. Tin and Seve are doing great and now taking it easy. Thank you for all your prayers and support!! God bless. #BabyBoy!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.