Solenn Heussaff suportado ng asawa sa paghuhubad
IT’S inspiring that Solenn Heussaff is supported by her husband na si Nico Bolzico sa kanyang career lalo na sa pagpapa-sexy nito sa TV.
In fact, ito pa nga raw ang nag-e-encourage sa kanya na i-post ang mga sexy photos sa kanyang Instagram tulad na lamang ng nag-viral recently na photo niya sa Bali.
Kwento ng Encantadia star, “‘Yung last one na naging viral daw na may hat. I just did it for fun tapos sinend ko sa kanya before I put it on Instagram not to ask for his permission but just to show na look what we’re doing in Bali. Tapos sabi niya, ‘sige post it in Instagram.’” Kaya naman si Solenn, nagpapasalamat dahil sa pagiging understanding ng kanyang asawa na si Nico.
Sa painit nang painit na istorya ng fantaseryeng Encantadia sa GMA Telebabad, asahan pa raw ang mas matitinding aksiyon at drama sa pagpapatuloy ng kuwento ng apat na Sang’gre na ginagampanan nina Glaiza de Castro (Pirena), Kylie Padilla (Amihan), Sanya Lopez (Danaya) at Gabbi Garcia (Alena).
Bukod nga kay Alden Richards bilang Lakan, lumabas na rin si Rodjun Cruz bilang old Pao Pao. Sabi nga ng mga Encantadiks, gabi-gabi na lang ay may sorpresang ihinahatid sa kanila ang Encantadia.
At ngayon nga, mukhang may bago na namang karakter ang magpapakitang-gilas na dapat n’yong abangan—si Lilasari. Sino kaya siya at ano ang magiging papel niya sa buhay ng mga Sang’gre at ng mga taga-Encantadia?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.