Mabubuntis na ba ang GF? (2) | Bandera

Mabubuntis na ba ang GF? (2)

Joseph Greenfield |September 27,2016
facebook
share this

Mabubuntis na ba ang GF? (2)

Joseph Greenfield - September 27, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Willy ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City

Problema:
1. May girlfriend ako sa ngayon at magti-3 years na ang relasyon namin. Sa edad kong 32 na sa darating na October 19, ay gusto ko na sanang mag-asawa. Ang kaso simula ng naging kami ng girlfriend ko na 28 years old ang edad kahit madalas kaming nagtatalik, nagtataka kami kung bakit hindi naman siya nabu-buntis?
2. Ang balak kasi namin kapag na-buntis na siya ay magpapakasal na kami, pero hanggang ngayon laging negative ang resulta. Sa inyong hula kailan kaya siya mabubuntis? At compatible ba kami at kami na ba talaga ang magkakatuluyan at magsasama habang buhay? February 11, 1988 naman ang birthday ng girlfriend ko.
Umaasa,
Willy Gen San City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) at Aquarius naman ang girlfriend mo ang nagsasabing compatible at tugma kayong dalawa, kaya malaki ang posibilidad na mabuntis mo man siya o hindi, sa bandang huli kayo pa rin ang magkakatuluyan at magsasama habang buhay. Ganon paman sa darating na buwan ng Oktubre hanggang Disyembre magandang gumawa ng baby upang maging “positive” ang resulta.
Numerology:
Ang birth date mong 19 at 11 naman ang iyong girlfriend ay nagsasabing bukod sa Astrology o zodiac sign, sadyang tugma at compatible din kayo sa Numerology, kung saan, ayon sa mga numero sa susunod na taong 2017 sa edad mong 33 at 29 naman ang girlfriend mo, walang duda mabubuntis mo na siya at pagkatapos ng siyam na buwan magkaka-baby na kayo.
Huling payo at paalala:
Willy yon sa iyong kapalaran, kayo na ng kasalukuyang mong girlfriend ang magkakatuluyan kaya kahit na matupad o hindi ang plano mong buntisin siya, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, makakasal at magsasama din kayong dalawa upang bumuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya. Ganon paman, kung magtatalik kayo sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre higit lalo sa panahong nasa Full Moon ang buwan, tiyak ang magaganap mabubuntis at pagkatapos ng siyam ng buwan mabubuo ang isang malusog at matalinong sanggol na babae na magdadagdag ng bagong sigla at ligaya sa inyong walang maliw at pang habang buhay ng pagsasama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending