Maagang Christmas break ng mga estudyante malabo - DepEd | Bandera

Maagang Christmas break ng mga estudyante malabo – DepEd

Liza Soriano - September 26, 2016 - 04:55 PM
MALABONG mangyari ang nais ng Senado na paagahin ang Christmas break ng mga estudyante para maibsan ang trapiko ngayong nalalapit na kapaskuhan. Sa pagdinig ng Senate  committee on finance kaugnay sa panukalang 2017 budget ng DepEd, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, na hindi iyon ang nakikita nilang solusyon para matugunan ang problema sa trapiko tuwing Holiday Season. Anya, sa kahit wala nang pasok ang mga bata sa eskwela, matindi pa rin ang trapiko sa mga lansangan. “Naoobserbahan namin na wala nang pasok ang mga bata pero nandyan pa rin nag Christmas traffic” pahayag ni Briones. Katwiran pa niya, sakaling agahan ang Christmas break ng mga bata, kailangan namang i-extend ang kanilang pasok na posible namang abutin ng Holy Week. “Tatamaan ang H oly Week. Alam mo naman pag Holy Week, daming mga bisita na magdadatingan galing abroad”, pahayag ng kalihim. Bukod dito, mahihirapan din ang mga bata dahil sa sobrang init, at karamihan sa mga klasrum ay hindi akma sa “summer heat”. “Kaya pag summer, bakasyon talaga ng mga bata.  Baka maapektuhan ang learning kung mainit na mainit ang classroom,” paliwanag pa nito. Una nang iminungkahi ni Senador Grace Poe ang maagang Christmas break ng mga mag-aaral upang maiwasan ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko bunsod ng holiday rush. Gayunman sinabi ni Briones na pag-aaralan pa rin nila ang panukala at ilalabas nila ang kanilang desisyon sa unang linggo ng Oktubre.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending