Robin kakayaning malayo kay Mariel para sa anak; handang magsakripisyo | Bandera

Robin kakayaning malayo kay Mariel para sa anak; handang magsakripisyo

Ervin Santiago - September 25, 2016 - 12:40 AM

ROBIN PADILLA AT MARIEL RODRIGUEZ

ROBIN PADILLA AT MARIEL RODRIGUEZ

SIGURADONG malungkot ngayon si Robin Padilla dahil mag-isa ngang lumipad patungong Amerika ang asawang si Mariel Rodriguez para doon ipanganak ang kanilang panganay.

Sa November ang due ni Mariel at nagdesisyon itong manganak sa US kasama ang kanyang pamilya.

Hindi nakasama si Binoe dahil hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang bigyan ng US visa dahil sa naging kaso niya noon.

Kaya naman bago umalis si Mariel ay nag-date muna sila ni Binoe sa Atelier Vivanda sa Bonifacio Global City. Sa kanyang Instagram account nagpasalamat si Mariel sa asawa, “Thank you for insisting we go on a date one more time… before we see each other again. Thank you for everything! We miss you already.”

Nagpasalamat naman si Binoe sa airport staff na nag-assist kay Mariel, “Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Cathay Pacific NAIA 3 sa pag-aasikaso sa aking asawa. Mula sa mga porter hanggang sa mga ground staff at sa kanilang manager lalo sa iyo Ms. LaLa, mabuhay po kayo!”

Isang dasal din ang ipinost ni Robin sa IG para sa safe travel ni Mariel, anito, “By Huda, Islam Expert. When leaving for a trip, whether by airplane, car, boat, or other transportation, Muslims say a prayer (du’a) to honor Allah and ask Allah to protect them on the journey.”

Pahabol naman ni Mariel, “All for our baby girl. one day or everyday I will tell Isabella how much her Dad loves her. thank you for loving us!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending