Perlas Pilipinas dinurog ang Vietnam, 134-56 | Bandera

Perlas Pilipinas dinurog ang Vietnam, 134-56

Angelito Oredo, Melvin Sarangay - September 23, 2016 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Bukit Serindit Indoor Stadium)
4 p.m. Vietnam vs Thailand
6 p.m. Singapore vs Laos
8 p.m. Philippines vs Indonesia

IPINAGPATULOY ng Perlas Pilipinas ang dominanteng paglalaro matapos durugin ang Vietnam, 134-56, sa kanilang laro sa 9th SEABA Women’s Championship 2016 kagabi sa Bukit Serindit Indoor Stadium sa Malacca, Malaysia.

Maagang rumatsada ang mga Pinay cagers sa pagtala ng 26-8 bentahe sa unang yugto ng laro bago tuluyang iniwanan ang mga Vietnamese tungo sa pagkubra ng ikatlong panalo.

Pinamunuan ni Janine Pontejos ang Perlas Pilipinas sa ginawang 23 puntos.

Isang Pinoy sa katauhan ni Jojo Castillo ang coach ng Vietnam.

Samantala, sisimulang lampasan ng Perlas Pilipinas simula ngayon ang matinik na daan sa pagsagupa nito sa Indonesia.

Sasagupain ng mga Pilipina ganap na alas-8  ng gabi ang Indonesia sa ikaapat na araw ng eliminasyon ng pitong bansa, pitong araw na torneo na magtatapos hanggang Setyembre 26.

Magkakasunod na tinalo ng mga Pinay cagebelles ang Singapore, 69-43, at Laos, 147-43, Martes at Miyerkules.

Matatandaang nabigo ang mga Pinay kontra sa Indonesians noong 2015 Singapore Southeast Asian Games kung saan pumang-apat lang ang bansa at isa sa naging tinik dito ang 6-foot-5 na si Gabriel Sofia.

Bibitbitin ng Pinay quintet ang mga momentum na mula sa Singaporeans, Laotians at Vietnamese laban sa Indons.

Kampante naman si Perlas coach Patrick Aquino na malaking bagay para sa koponan ang tatlong kumbinsidong panalo sakaling magkaroon ng triple-tie para sa lead na pagpapasyahan nang uupo sa trono.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We have to be wary of the quotient, but more than anything else, it’s a way to preserve our starting unit for the bigger games to come and allow the other players to build their confidence, especially the newcomers,” sabi nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending