Pintor arestado dahil sa bomb joke Cebu university | Bandera

Pintor arestado dahil sa bomb joke Cebu university

- September 22, 2016 - 03:27 PM

cebucity

ARESTADO ang 29-anyos na pintor matapos ang mag-bomb joke sa isang unibersidad sa kahabaan ng Sanciangko st. sa Cebu City.

Ipinakita ni Ismael Momo, residente ng Barangay Guadalupe, Cebu City, ang kanyang backpack para sa inspeksyon sa pasukan ng main campus ng University of San Carlos pasado alas-9 ng umaga nang sabihin niya sa mga security guard na meron itong lamang bomba.

Agad siyang isinailalim sa kustodiya ng guwardiya habang hinihintay ang pagdating ng mga pulis, ayon kay  PO2 Edadis Bustarde, ng Parian Police Station.

Unang araw sana ni Momo sa trabaho.

Masusing ininspeksyon ng mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang bag ni Momo bagamat wala namang nakitang pampasabog.

Sinabi ni Bustarde na hinihintay pa nila ang pamunuan ng USC para sa pagsasampa ng kaso laban kay Momo.

“If they will not file any case, then we would be forced to release the
suspect. Without the school’s cooperation, the case is weak and won’t likely
prosper,” aniya.

Inamin ni Momo na nagbibiro lamang siya, bagamat sinabing hindi niya alam na ipinagbabawal sa batas ang pagba-bomb joke.

“Mangayo intawn kog pasaylo. Wala ko kahibaw nga bawal diay na. (I ask for
forgiveness. I didn’t have any idea that bomb jokes are unlawful),” sabi ni Momo.

Pang-anim na si Momo na hinuli sa Cebu City dahil sa bomb joke simula noong Setyembre 9.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending