Hindi lamang ginamit ng sindikato ng iligal na droga ang New Bilibid Prison kundi nagsilbi rin itong Little Las Vegas dahil sa mga concert na idinaos dito.
Sa pagdinig ng House committee on justice kahapon, sinabi ng testigo na si Rodolfo Magleo, retiradong pulis na hinatulan sa kasong kidnapping, na may mga sikat na personalidad na nag-show sa NBP noong panunungkulan ni Justice Sec. Leila de Lima, ngayon ay senador.
“During the tenure of then-secretary de Lima, ang maximum security compound ay tinaguriang ‘Little Las Vegas’ and at the same time, ‘Wild (Wild) West,” ani Magleo. “It was called ‘Little Las Vegas’ dahil maraming concerts na nangyayari and not ordinary concerts. Concert ito ng mga celebrities.”
Kabilang umano sa mga nag-show doon sina Freddie Aguilar, Sharon Cuneta, Mocha Girls, Ethel Booba, mga dancer na hindi na niya maalala ang pangalan at mga comedienne.
“Naging drug trade center of the Philippines po during the time of then Secretary de Lima, dahil sa Bilibid maximum security compound, doon po ang trading ng drug business sa buong Pilipinas,” dagdag pa ni Magleo.
Sinabi ni Magleo na nagbibigay sila ng pera para sa kandidatura ni de Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending