Pagtatanong ni Aguirre sa testigo kinuwestyon
Leifbilly Begas - Bandera September 20, 2016 - 03:52 PM
Hindi gaya ng ibang pagdinig ng Kamara de Representantes, pinayagan ng House committee on justice si Justice Sec. Vitaliano Aguirre na magtanong sa mga testigo laban kay Sen. Leila de Lima.
Sa ibang pagdinig ang mga kongresista ang nagtatanong sa mga ipinatawag nilang resource person.
“Ang proseso po natin nito kayo ang magko-conduct ng direct,” ani Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.
Sagot naman ni Aguirre: “Ako po ang magko-conduct ng direct sapagkat yun ang utos ng committee sa akin kagabi.”
Ang DoJ ang kumuha ng mga testimonya ng mga iniharap nitong testigo na nagsasabing nakinabang si de Lima sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot sa New Bilibid Prison.
Kinuwestyon naman ng mga miyembro ng minorya ang prosesong ginamit sa imbestigasyon.
“Authority or no authority, that is still violation of rules. I think they [committee members] might have overlooked rules of the House [when they allowed Aguirre],” ani Lagman. “If Aguirre is acting as counsel of the witnesses, under the rules of the House and under tradition, the lawyer cannot direct questions to the witness. He should pass questions through the committee or committee chair.”
Nais ding kuwestyunin ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang naging proseso.
“Hindi member ng committee ang nagtatanong. Ang nangyayari, parang siya [Aguirre] ang kumuha ng testimony, siya rin ang nagtatanong,” ani Alejano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending