Kilalang aktres nasira ang mukha sa retoke
FINALLY, inamin na rin ng kilalang aktres na nagpa-overhaul siya ng mukha kaya bumalik na sa dati ang ganda niya.
Una kasi ay itinanggi pa ng aktres na may ipinagawa siya sa kanyang face na hindi naman pinaniwalaan ng mga nakakakita sa kanya dahil ang laki naman talaga ng ipinagbago ng kanyang itsura.
Kaya habang umeere ang serye niya ay nadi-distract ang mga nakakapanood sa pagbabago ng mukha ng kilalang aktres dahil hindi bumagay ang bagong itsura.
Iyon pala, nagdurusa na ang kilalang aktres habang nagte-taping dahil marami na nga ang pumansin kaya pagkatapos ng serye na ilang beses na-extend ay agad siyang nakipag-usap sa doktorang gumawa ng face niya, pero walang nangyari at tila nagkaroon pa ng gusot.
Hanggang sa may nagrekomenda na kay aktres ng mahusay na surgeon para ibalik sa dati ang mukha niya, at perfect 2 balik-ganda na siya ngayon kahit extreme close-up pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.