Rebyu: Kiligin, makiiyak sa hugot lines ng KathNiel sa 'Barcelona' | Bandera

Rebyu: Kiligin, makiiyak sa hugot lines ng KathNiel sa ‘Barcelona’

Bella Cariaso - September 20, 2016 - 12:01 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DAPAT nang paghandaan ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mas mature at mas palaban pang mga proyekto matapos ang tagumpay sa takilya ng “Barcelona: A Love Untold” produced by Star Cinema and directed by Olivia Lamasan.

Patuloy pa ring pinipilahan ang pelikula sa mga sinehan at ang tunay na maipagmamalaki ng mga tagahanga ng KathNiel ay hindi lamang ito isang kilig movie dahil may lalim ang kuwento at magaling ang lahat ng nagsiganap.

Ang “Barcelona” ay kuwento nina Ely at Mia, nagsimula ang kanilang love story sa Barcelona, na kapwa may hugot ang personal na buhay nang magtagpo sa nasabing bansa.

Napaka-epektibo ng pag-arte rito ni Kathryn bilang si Mia, isang dayo sa Barcelona na wala nang ginawang tama sa pinapasukan niyang trabaho.

Naroon naman si Ely (Daniel), na laging handang tumulong at sumalo sa lahat ng pinagdaraanan ng dalaga bilang OFW.

Rebelasyon dito ang sobrang natural na pag-iyak ni Kathryn kung saan talagang bumabaha ng luha sa tuwing humuhugot sa kanyang mga eksena.

q q q

May pagkakahawig ang tema ng pelikula sa “Milan” noon na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Claudine Barretto kaya hindi talaga maiiwasan na ikumpara sa kanila ang acting nina Kathryn at Daniel. Pero masasabi naming may sariling tatak na ang akting ng dalawang Kapamilya youngstars.

Grabe ang tilian ng KathNiel fans sa tuwing maghahalikan ang dalawang bida. Talagang dumadagundong ang sinehan sa lakas ng sigawan.

Hindi rin nagpahuli ang pelikula sa takilya dahil sa kabila ng patuloy na pagpapalabas ng pinag-uusapang Korean movie na “Train To Busan” ay pinipilahan pa rin ang “Barcelona”.

Dahil medyo seryoso nga ang tema ng pelikula ngayon ng KathNiel, hindi naman nawawala ang malaking hamon na malilinya na ang love team sa talagang dramatic movies at tapos na ang mga pa-cute na pelikula.

May kaunti lang kaming napansin sa make-up ni Daniel, na hindi naman siguro ikagagalit ng mga KathNiel fans – medyo tumanda kasi ang itsura niya sa ilang eksena nila ni Kathryn dahil sa kapal ng foundation. Pero sabi nga, maliit na bagay dahil mas lumutang pa rin ang galing ng akting ni Daniel sa pelikula.

Sa kabuuan, talagang nag-enjoy kami sa movie at tiyak kong mag-eenjoy din dito kahit ang mga hindi KathNiel fans.

Kung madali rin kayong mapaiyak ng mga drama movies, siguradong makikiiyak din kayo sa mga hugot lines ni Mia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa iskor na 1 hanggang 10, kung saan 10 ang pinakamataas, bibigyan ko ang pelikulang “Barcelona: A Love Untold” ng iskor na 8.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending