Sulat mula kay Ayen ng Poblacion, Pilar, Bohol
Problema:
1. Sa kasalukuyan ay may kinakasama akong lalaki na pamilyado at may asawa na. Gayunpaman, regular din siyang umuuwi sa akin kaya kung tutuusin para na rin kaming mag-asawa at may isang anak na kami. Kaya lang minsan ay inaalala ko ang aking kalagayan kung habambuhay na ba akong ganito, patago-tago at palipat-lipat kami ng apartment upang huwag daw makahalata ang asawa nya.
2. Talaga kayang mahal ako ng lalaking ito at kapag daw siya nakipaghiwalay na sa kanyang legal na asawa malaya na raw kaming magsasama pero ang inaaala ko ay kailan pa kaya mangyayari iyon? Kung makikipaghiwalay ako sa lalaking ito may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa ng binata at makaranas na maikasal at magandang buhay? November 13, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Ayen ng Bohol
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing mahina ang
iyong loob, kaya kahit gustuhin mong takasan ang buhay pagiging kerida po-sibleng hindi mo kayang gawin, lalo ngayong may isa ka na palang anak. Ganon man kung ang kinakasama mong lalaki ay isang Cancer, sadyang tugma at compatible kayo sa isa’t isa.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing kung 8, 17, at 26 ang birth date ng lalaking kinakasama mo, wala kang dapat gawin sa ngayon kundi ang mag-ipon ng maraming pera
upang kapag nagkahiwalay kayo, may salapi kang maipanggagastos sa kinabukasan ng inyong anak at siyempre sa kinabukasan mo na rin.
Physiognomy:
Ang buhay at malaking nunal sa kanang bahagi ng iyong pisngi ay nagsasabing habang nakikipagrelasyon ka sa isang lalaking may asawa at pamilyado na, dapat kang magnegosyo ng tindahan ng bigas o grocery. Sa negosyong nabanggit ka uunlad at yayaman.
Huling payo at paalala:
Tandaang may iba’t ibang suwerte ang bawat nilalang. Kung saan, may sinusuwerte sa pag-ibig, pero malas sa salapi at meron din namang malas sa pag-ibig ngunit suwerte sa salapi. Sa kaso mo Ayen malas ka sa pag-ibig pero suwerte ka sa salapi. At ito ay mangyayari sa sandaling nakapag-negosyo ng produktong bikas o kaya’y grocery. At dahil sa nasabing pagnenegosyo ayon sa iyong kapalaran, nakatakda kang umunlad at yumaman nang higit pa sa natamong yaman ng orihinal na pamilya ng lalaking iyong kinakasama, ang nasabing pagyaman ay nakatakdang mangyayari sa taong 2021 sa edad mong 32 pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.