Mapua Cardinals pasok sa NCAA Final Four | Bandera

Mapua Cardinals pasok sa NCAA Final Four

Angelito Oredo - September 16, 2016 - 12:00 PM

Mga Laro sa Martes
(The Arena, San Juan)
12 n.n. Emilio Aguinaldo vs St. Benilde
2 p.m. Arellano vs Mapua
4 p.m. Perpetual vs San Beda
Team Standings: Arellano* (13-3); San Beda* (12-4); Perpetual Help* (11-5); Mapua* (11-5); JRU (9-8); Letran (8-9); San Sebastian (7-10); Lyceum (6-11); EAC (5-11); St. Benilde (0-16)
* – Final Four

KINUMPLETO ng Mapua Institute of Technology Cardinals ang mga maglalaban-laban sa Final Four matapos nitong takasan ang matinding hamon mula sa College of St. Benilde Blazers, 69-59, sa 92nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kinailangan muna ng Cardinals na bumangon mula sa walong puntos na pagkakalubog sa ikatlong yugto, 29-37, bago nito nagawang agawin ang abante sa 46-44 at tuluyang iwanan ang Blazers.

Una nang pumasok sa semifinals ang Arellano University Chiefs, San Beda College Red Lions at University of Perpetual Help Altas.

Nangunguna ang Chiefs hawak ang 13-3 kartada habang nakabuntot naman dito ang Red Lions na may 12-4 karta.

Kasalukuyang tabla  sa ikatlong puwesto ang Altas at Cardinals na parehong may 11-5 baraha.

May tigalawang laro pa ang mga koponang ito bago matapos ang elims at sa Martes ay magsasagupa ang Arellano at Mapua ganap na alas-2 ng hapon habang magtatapat ang Perpetual at San Beda dakong alas-4 ng hapon.

Sinandigan ng Mapua kahapon ang kasalukuyang Most Valuable Player ng liga na si Allwell Oraeme na nagtala ng 16 puntos, 19 rebounds, 2 assists at 2 blocks habang nagdagdag si Joseph Eriobu ng 13 puntos para sa Cardinals.

Nahulog naman ang St. Benilde sa ika-16 nitong sunod na kabiguan at manatiling walang panalo sa season na ito.

Dahil sa panalo ng Cardinals ay napagsarhan na ng pinto para sa Final Four ang umaasa sanang  Jose Rizal University Heavy Bombers.

Samantala, nagwagi  sa unang laro kahapon ang San Sebastian College laban sa Emilio Aguinaldo College, 87-71, para sa ikapito nitong panalo sa 17 laban.

Nanguna para sa San Sebastian si Michael Calisaan na gumawa ng 22 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nahulog naman sa 5-11 baraha ang Generals.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending