Arci walang kaarte-arteng ‘nakipag-sex’ kay Echo sa isla
ANG paniwala ni Arci Muñoz ay gina-guide siya ng kanyang namayapang daddy.
Sobrang ganda kasi ng career niya ngayon. After a blockbuster movie, mayroon na siyang soap opera kasama si Jericho Rosales, ang Magpahanggang Wakas sa ABS-CBN.
“I’m just really thankful for everything. I believe that everything that’s happening right now ay si Papa, gina-guide niya ako. He just passed last February when I was doing Always Be My Baby. And then after that ang ganda ng takbo ng lahat sa career ko.
“Alam ko, nararamdaman ko na gina-guide niya ako. Prinepare niya ako, parang journey ko lang ito para mas maging mabuti ako sa craft ko. I’m really, really thankful.
“I started with FM Reyes when I came here sa ABS-CBN. It makes me work harder. Paghuhusayan ko pa ang acting ko and everything,” maluha-luha niyang sabi.
As for Echo, ito naman ang say ni Arci, “Siya yata ang pinaka-humble na artistang nakatrabaho ko. Sobrang galing. Very professional. Pagdating niya sa set babatiin niya ang lahat. This is a great privilege to be given this opportunity to work with great actors.”
Arci has no qualms baring in Magpahanggang Wakas, “Nasa isla po kasi kami. Mas ayaw pa nga niyang maghubad, eh. Siyempre, sa lahat naman ng roles na ginagawa ko, basta hiningi ng character.
“Hindi naman siya bastos, eh. Kung hinihingi ng role, hinihingi ng istorya, why not. Alam ko naman na aalagaan nila ako, eh,” she explained.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.