Dingdong sanay nang maging ‘yayo’ ng anak tuwing Linggo
KARAY-KARAY ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang anak nilang si Zia sa studio ng Sunday PinaSaya last Sunday. Kagulo siyempre ang mainstays ng programa lalo na si Ai Ai delas Alas na ninang niya.
Usually pag Sunday, si Dong ang yayo ng anak dahil may SPS si Yan sa Linggo. Eh, guest ang Kapuso Primetime King sa show at wala sigurong mapag-iiwanan kay Zia.
Siyempre, isinalang si Dong sa segment ni Marian at meron pa silang dance number na nagtapos sa halikan ng mag-asawa, huh! Tilian tuloy ang studio audience pati na si Barbie Forteza.
After ng SPS, may presscon pa si Dingdong para sa GMA series niyang Alyas Robin Hood kaya diretso na siya sa venue. Pero pag may daily work si Dong, si Marian naman ang nag-aalaga sa anak nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.