Bakit, may concert ba sila sa ARANETA? May double platinum ba sila? – DANIEL
Sa mga artistang nanlalait sa kanyang boses
NIRESBAKAN ni Daniel Padilla ang ilang artistang aniya’y nanlalait sa boses niya.
May mga celebrities daw kasi sa ibang TV network na nagsasabing wala raw kuwenta ang boses niya at wala siyang karapatang maging singer.
Sa presscon ng first major concert niyang “Daniel LIVE: A Birthday Concert” medyo nairitang sinagot ng young heartthrob ang issue, aniya, wala naman daw siyang magagawa kung may mga taong hindi nagagandahan sa boses niya, pero alam daw niyang mas marami pa rin ang natutuwa kapag naririnig siyang kumakanta.
“Okay lang actually sa akin kasi wala namang kayang gumaya ng boses ko, e.
Hindi ako singer pero unique ang boses ko. Kaya okay lang. Mag-a-Araneta ba sila?” ani Daniel.
Hirit pa ng aktor, “Sabi ko nga, kasi may mga kapwa ako artista, hindi tagarito sa ABS-CBN, na inaasar yung boses ko. Gusto ko sabihin, ‘Bakit? Double Platinum ba kayo? Kasi ako, oo, e.’”
In fairness, totoo naman ‘yun! Marami nang napatunayan si Daniel at hindi maikakaila na siya na talaga ang hottest youngstar ngayon sa Philippine showbiz at isa kami sa magpapatunay niyan dahil nasaksihan namin kung paano siyang pagkaguluhan ng mga fans kahit saan siya magpunta.
Samantala, inamin naman ng binata na hindi talaga niya inakalang mamahalin siya nang bonggang-bongga ng mga Pinoy, at lalong hindi naman niya naisip na makakapag-concert siya sa Araneta.
Magaganap na sa April 30 ang “Daniel LIVE: A Birthday Concert” kung saan magse-celebrate nga ang aktor ng kanyang ika-18 kaarawan.
“Siyempre po kinakabahan po ako, pero siyempre gagawin ko pa rin ang lahat para maging maganda yung kalalabasan nu’ng concert,” sey pa nito sabay sabing, “Unang-una, hindi talaga ako singer.
Pero ginagawa ko ang lahat para maging maayos ang kanta ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.