Dingdong tinuhog sina Megan at Andrea; Marian aprub sa 2 ‘babae’ ng asawa
TUHOG ni Dingdong Dantes ang dalawang pambatong sexy leading lady ng GMA 7 na sina Miss World Megan Young at Andrea Torres sa bago niyang primetime series na Alyas Robin Hood.
Sa ku-wento ng serye, unang mai-in love si Dingdong sa karakter ni Megan ngunit darating ang panahon na kailangan niyang kalimutan ang pagmamahal sa kanyang girlfriend para hanapin ang katotohanan na bumabalot sa pagkamatay ng kanyang ama.
At dito nga niya makikilala ang karakter ni Andrea na mai-in love rin sa kanya habang hinahanting ang killer ng kanyang ama. In fairness, paseksihan at rampahan ng flawless na katawan ang magiging labanan nina Megan at Andrea sa Alyas Robin Hood.
Sa trailer pa lang kasi ay ilang beses nang ipinakita ang pagsusuot ng two piece bikini ng dalawang Kapuso stars, lalo na si Andrea na kilala ring malapit na kaibigan ng asawa ni Dingdong na si Marian Rivera.
May eksena rin sa ipinalabas na trailer during the grand launch of Alyas Robin Hood nitong nagdaang weekend kung saan naghalikan sina Dingdong at Megan. At siguradong hindi lang isa kundi marami pang maiinit na eksena ang dalawa. Idagdag pa ang mga landian nina Dong at Andrea.
q q q
Samantala, excited na si Dingdong sa nalalapit na pagpapalabas ng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad. Magsisimula na ang pagbabalik ng Kapuso Primetime King sa Sept. 19.
Patutunayan daw ng seryeng ito na ang bawat Pinoy ay may kakayahang maging bayani kahit sa simple at maliit na paraan lamang.
A combination of action, drama, adventure and comedy, Alyas Robin Hood revolves around the life of Pepe de Jesus (Dingdong), a man who finds absolution in doing service to his community. Ngunit biglang magbabago ang ikot ng kanyang buhay pati na rin ng kanyang pamilya nang ma-frame up siya at madiin sa pagkamatay ng kanyang ama na gagampanan ni Christopher de Leon.
Magkakaroon ng pagkakataon para makatakas si Pepe sa kulungan ngunit aakalain ng lahat na namatay siya sa naganap na prison break. Gagawin niya ang lahat para panagutin ang tunay na killer ng ama at magtatago sa alyas na Robin Hood.
“Maganda ‘yung feeling na nagiging part ka ng pag-solve ng isang problem sa lugar ninyo, tumutulong ka sa community. Pero ang mas mahalaga, siyempre, ay ‘yung paghahanap sa katotohanan.
“I think, isa ‘yun sa main na gustong ma-achieve ng character sa kuwento—malaman kung saan nagmula, sino ang may kagagawan ng lahat. Medyo kumplikado,” ayon kay Dingdong.
Hindi nag-alinlangan ang mister ni Marian Rivera na tanggapin ang nasabing serye dahil na rin sa mga makakatrabaho niyang magagaling na artista, “Ang gagaling ng mga kasama ko dito. Mula sa international best actors and actresses, talagang mga mahal ko sa industriya ang makakasama ko dito. Understatement ang excited. Sobrang inspired ako ngayon.”
Bukod kina Boyet, Megan at Andrea, ka-join din sa Alyas Robin Hood sina Cherie Gil, Sid Lucero, 2016 Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose, Paolo Contis, Gary Estrada, Dennis Padilla, John Feir, Tanya Gomez, Gio Alvarez, Lindsay de Vera, Dave Bornea, Caprice Cayetano, with the special participation of Rey “PJ” Abellana and Ces Quesada.
Ang Alyas Robin Hood ay sa direksyon ni Dominic Zapata na nagsabing, “For this show, we always push the story deeper. Kaya naman the team promises that we will create something that you will all be proud of. Something that will make a mark.”
Kaya tutukan ang pagsisimula ng Alyas Robin Hood simula sa Sept. 19, Monday to Friday, after Encantadia sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.