Drug test na isinagawa sa mga artista dapat ulitin
HABANG tinitipa namin ang kolum na ito’y nadaragdagan ang bilang ng mga artista who have so far submitted themselves—voluntarily or otherwise—to a drug test.
Kung hindi kami nagkakamali, ang listahang ito—for whatever it’s worth—ay pinangunahan ng nagbabalik na aktor na si Cogie Domingo. The result of his drug test yielded “negative” of all illegal substances.
Dahil may nagsimula kung kaya’t may mga nagsunuran na rin, the likes of Luis Manzano at nitong huli ay sina Solenn Heussaff at Claudine Barretto. All negative.
Gayunpaman, diskumpiyado pa rin ang marami sa resulta dahil hindi naman daw conclusive ang pagiging negatibo sa droga with urine sample. Ang pagkuha raw ng blood sample at pagsuri sa hair follicle would be far more accurate.
Well then, kung sa dugo o hibla ng buhok matutukoy kung ang isang tao ay positibo o negatibo ng kung anumang substance, let these celebrities at iba pang mga magsusunuran dare take the challenge.
Yaman din lang that we cannot run counter against public opinion, let scientific truth prevail sa pagkakataong ito.
Hindi nga ba’t sa mga nada-diagnose ng kung anumang karamdaman, the patient should not either be complacent or panicky whatever the outcome of the result may be? Hindi ba’t the patient is out to seek second opinion?
Samantala, we would want sana to run a random list ng iba pang mga artista na hindi na kailangan pang suriin kahit ang kaanit-anitan ng kanilang bumbunan dahil hitsura’t kilos pa lang ay sertipikado nang addictus benedictus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.