SA harap ng nakabinbing petisyon sa Korte Suprema na kumukontra sa planong paglilibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, idinaan sa social media ng mga anak ang paggunita sa ika-99 na kapanganakan nito.
Gamit ang hashtag #ForeverMARCOS sa kanyang Instagram, ipinost ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang black-and-white na litrato niya ng siya ay bata pa kasama ang kanyang tatay.
“To celebrate my father’s birthday (September 11) is to remember the dreams and aspirations he had for his beloved Philippines. Let us continue to work together to bring that vision of progress, dynamism and greatness to our country and our people! Never ever give up. Never lose hope #ForeverMARCOS,” sabi ni Marcos.
Ginunita kahapon ang ika-99 taon ng kapanganakan ng matandang Marcos.
Nagpost din si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ng kanyang litrato ng siya ay dalagita pa kasama ang kanyang tatay: “Happy Birthday sa Tatang ko! #SalamatApo”
Nag-share pa ang governor ng mga litrato at link ng mga petisyon at kampanya para payagan ang pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Nauna nang pinalawig hanggang Oktubre 18 ng Kataastaasang Hukuman ang 20-araw na status quo order laban sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending