Nangangarap magka-house and lot (2) | Bandera

Nangangarap magka-house and lot (2)

Joseph Greenfield - September 11, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Abigail ng San Nicolas, Toril, Davao City
Problema:
1. Seaman po ang mister ko at limang taon na siyang nagpapabalik balik sa barko, pero hanggang ngayon nangungupahan pa rin kami at walang sariling lupa at bahay. Hindi po kasi kami makaipon dahil lima po ang anak namin na lahat nag aaral.
2. Gusto kong makahingi ng tips sa inyo, suwerteng numero at kung paano namin mapapaunlad ang aming kabuhayan, upang magkaroon kami ng sariling lupa at bahay? Matutupad kaya ang pangarap naming ito at kailan? March 23, 1977 ang birthday ng mister ko at August 28, 1978 ang birthday ko.
Umaasa,
Abigail ng Toril, Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing sa buwan din ito ng Setyembre magandang mag-aplay sa abroad, upang pagsapit ng buwan ng Disyembre o kaya’y Enero 2017, magsisimula ng dumating ang maraming suwerte sa iyong buhay – makapangingibang bansa ka at sa ibang bansa kikita ka ng malaking halaga sa tulong ng isang dating kaibigan na isinilang sa sa zodaic sign na Taurus o kaya’y Capricorn.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing bukod sa susuwertehin ka sa abroad, malaki rin ang tsansa na kapag nasa abroad ka na, maaaring sa isang number games tumama ka ng malaking halaga sa mga numerong 1, 7, 14, 28, 37 at 43.
Luscher Color Test:
Upang lalo kang suwertehin sa buhay saan kaman ipadpad ng kapalaran lagi kang magsuot ng kulay na gray, dilaw at berde. Sa nasabing kulay dagdag marami pang magagandang kapalaran ang
iyong masasagap.
Huling payo at paalala:
Abigail ayon sa yong kapalaran kung hindi man nagawa ng mister mo na mabigyan ang inyong pamilya ng isang disente at marangal na sariling lupa at bahay, hindi naman habang buhay na lang kayong mangungupahan. Sa halip sa sandaling nakapag-abroad ka na, tiyak ang magaganap, dahil na rin sa iyong pagsisikap, sa taong 2019 sa edad mong 41 pataas, matutupad na ang malaon mo ng pangarap para sa
iyong pamilya – magkakaroon na kayo ng sariling lupa at bahay sa isang kilala at medyo sikat na subdivision sa inyong lugar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending