Utol ni Lea Salonga dakma sa party drugs | Bandera

Utol ni Lea Salonga dakma sa party drugs

- September 09, 2016 - 07:46 PM

Philip-Salonga-Kuha-ni-Erwin-Aguilon-3-300x225

DINAKIP ang isang nagpakilalang half-brother ng international singer na si Lea Salonga at dalawang iba pa
dahil sa pagtutulak umano ng mga party drugs sa Pasig.
Kaugnay nito ay inilabas ni Quezon City Police District acting director Senior Supt. Guillermo Eleazar ang drug matrix kung saan ipinapakita na
si Philip Salonga ang supplier ng droga ng iba pang naaresto na sina Edward Nelson Jose at Nathaniel Adrian Cruz.
Iniimbestigahan na kung may kostumer na celebrities ang tatlong suspek, ani Eleazar.
Idinagdag ng opisyal na nag-ooperate ang tatlong sa buong Metro Manila at mga partygoers ang kadalasan nilang parokyano.
Aminado naman si Salonga na nagbebenta siya ng droga at isiniwalat na isang Aldrin Sandoval ang pinagkukunan niya ng droga.
Aniya, P1,000 ang kuha niya kada piraso ng ecstasy kay Sandoval na ibinebenta niya ng P1,500.
Nasakote si Salonga sa follow-up operation sa Reserve Liquor Lounge bar sa City Golf Plaza, Julia Vargas Ave., Pasig City. Nadakip ang dalawa pang suspek sa magkahiwalay na lugar.
Narekober sa tatlo ang 80 piraso ng ecstasy at iba pang party drugs.
Kaugnay nito, binalaan ni Eleazar ang mga may-ari ng bar na kumukunsinti sa pagbebenta at paggamit ng mga party drugs sa kanilang establisimento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending