HANGGANG ngayon ay nangangarap na makalipat ng opisina ang isang sikat na city mayor.
Hindi sa bagong gusali kundi sa mismong loob ng city hall kung saan siya nag-oopisina sa kasalukuyan.
Sinabi ng ating Cricket na hindi pa rin bi-nabakante ng dating mayor sa kanilang lugar ang dati niyang opisina.
Bagama’t nasa ibang tanggapan na ng gobyerno ang dating local executive ay ayaw pa rin niyang ipaubaya ang kanyang opisina sa kasalukuyang mayor.
Wala namang problema dahil magkaalyado naman sila ng kasalukuyang alkalde.
Pati ang mga empleyado sa city hall ay naguguluhan dahil noong 2013 pa nilisan ng dating alkalde ang kanyang opisina nang siya’y magsimulang manungkulan sa kasalukuyan niyang pwesto sa pamahalaan.
Nabubuo tuloy ang mga haka-hakang baka sa susunod na halalan ay babalikan ng dating alkalde ang dati niyang pwesto sa lungsod.
Samantala, ang kasalukuyang mayor naman ay nagtitiyaga sa mas maliit na opisina na dati na rin niyang tanggapan noong siya’y vice mayor pa lamang.
Hindi naman niya magawang kausapin ang dating alkalde dahil sa laki ng kanyang utang na loob dito.
Ayaw niyang ma-offend ang dating amo kaya nagtitiyaga na lamang muna siya sa kanyang kasalukuyang lungga sa city hall.
Bukod dito ay naka-posisyon na rin ang anak ng dating local official na matunog na patatakbuhin diumano bilang mayor sa susunod na halalan.
Kilala ang bida sa
ating kwento dahil bago pa man siya napunta sa pulitika ay sikat na siya sa mundong kanyang ginagalawan.
Ang dating mayor naman ay kilalang kingpin sa kanilang lugar kaya hindi rin basta basta ang magiging laban sakaling maglaban sila sa susunod na halalan.
Ang mayor na pinagkaitan ng magandang opisina sa kanilang city hall ay si Mr. B….as in Bistado.
Ang Wacky Leaks ay mababasa tuwing Miyerkules at Biyernes.
Para sa komento at tanong, mag-text sa 09163025071. Maaari ring mag-email sa [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.