PH men's chess team mapapalaban kontra Norway | Bandera

PH men’s chess team mapapalaban kontra Norway

Angelito Oredo - September 09, 2016 - 12:00 PM

MAGANDA ang simula ng 53rd seed Philippine men’s team sa 42nd World Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan at kampante ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director na si Grandmaster Jayson Gonzales na makakahataw pa ang koponan sa huling anim na round ng torneo sa Baku, Azerbaijan.

Naipanalo ng koponan ang apat sa unang limang laban nito sa torneo at naniniwala si Gonzales na makakahirit sila ng upset win laban sa mga bigating koponan.

Nagpahinga ang torneo kahapon at ginamit ng koponan ang araw na ito para paghandaan ang kalaban nila sa round 6, ang 12th seed na Norway.

“Maganda ang mood ng team habang nagpapahinga,” sabi ni Gonzales, na siya ring team captain ng women’s team. “Nag-analyze sila ng mga moves ng kanilang sunod na makakalaban at pinag-aralan din ang posibleng mangyari sa susunod na huling anim na round.”

Ang Norway, na huling tinalo ang 64th seed na Belgium (3-1), ay binubuo nina defending champion GM Magnus Carlsen, GM Jon Ludvig Hammer, GM Aryan Tari at GM Frode Urkedal.

Ang Pilipinas, na kasalukuyang nasa ika-23 puwesto sa torneo, ay  binubuo nina GM Julio Catalino Sadorra, GM  John Paul Gomez, GM Eugenio Torre, GM Rogelio Barcenilla Jr. at International Master Paulo Bersamina sa Board 5.

Samantala, ang 46th seed na PH women’s team ay nasa ika-27 puwesto matapos ang tatlong panalo, isang talo at isang draw.

Makakasagupa nito ang 57th seed Mexico.

Ang mga miyembro ng koponan ay ang mga Woman International Master na sina Janelle Mae Frayna, Catherine Secopito at Jan Jodilyn Fronda, Woman Fide Master na si Shania Mae-Mendoza at Woman National Master na si Christy Lamiel Bernales.

Ang Mexico women’s team ay binubuo ng WIM Diana Carime Real Pereyra, WIM Alejandra Guerrero Rodriguez (Elo 2043), WIM Lilia Ivonne Fuentes Godoy (Elo 2142) at WFM Miriam Parkhurst Casas (Elo 1993).

Samantala, nasa best player per board sina Gomez (Elo 2492) na may 3.5 puntos na ika-16 sa Board 1, nasa No.4 si Torre (Elo 2447) sa Board 2 na may 4.5 puntos at No. 9 sa Board 3 si Barcenilla (Elo 2455) na may 4.0 puntos.

Inokupahan ni Torre ang ikawalong puwesto sa kabuuan sa overall best players kung saan kasalo ito sa pito kataong ikalawang puwesto sa likod lamang ng apat kataong liderato na may 5.0 puntos. Nasa ika-71 naman si Gomez.

Sa kababaihan ay nasa best players per Board si Frayna na nasa ika-14 sa Board 1 na may 3.5 puntos habang nasa No. 13 naman s Board 4 si WIM Catherine Secopito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasa ika-61 puwesto sa overall best players si Frayna, nasa 84 si Secopito at nasa ika-150 si Jan Jodilyn Fronda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending