Mapua Cardinals sinibak ang EAC Generals | Bandera

Mapua Cardinals sinibak ang EAC Generals

Angelito Oredo - September 09, 2016 - 12:00 PM

 Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
12 nn. JRU vs Perpetual
2 p.m. San Beda vs Lyceum
4 p.m. Arellano vs Letran
Team Standings:  Arellano (11-3); San Beda (11-4); Perpetual Help  (10-4); Mapua (9-5); JRU (9-6); Letran (8-7); San Sebastian (6-10); EAC (5-10); Lyceum (5-10); St. Benilde (0-15)

SINANDALAN ng Mapua si Andoy Estrella at Almel Orquina sa second half ng laro upang biguin ang Emilio Aguinaldo College, 82-72, at pahigpitin ang kapit sa pinag-aagawang ikaapat na puwesto sa 92nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ikalawang laro, tinalo naman ng San Sebastian College ang nakasagupang College of St. Benilde, 66-57, para umangat sa 6-10. Nalasap ng Blazers ang ika-15 nitong diretsong kabiguan.

Inihulog ni Estrella ang team-best 19 puntos na ang 13 ay isinagawa nito sa ikaapat na yugto kung saan tuluyang iniwanan ng Cardinals ang labanan habang nag-ambag si Orquina ng career-high 18 points kabilang ang walo sa ikatlong yugto nang isinagawa ng koponan ang pag-atake.

Nagdagdag pa si Estrella ng 10 rebounds, anim na assist at isang steal.

“We’re showing people that we have players who can step up big when needed,” sabi ni Mapua coach Atoy Co.

Ang panalo na ikasiyam ng Mapua sa limang kabiguan ay naghiwalay dito kontra sa Jose Rizal University, na may 9-6 karta, at nagtatanggol na kampeong Letran (8-7).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending