JC Santos nahiyang ipakilala sa press ang gf na theater actress | Bandera

JC Santos nahiyang ipakilala sa press ang gf na theater actress

Reggee Bonoan - September 09, 2016 - 12:10 AM

jc santos at teetin

NAGTATAKA kami kung bakit umalis kaagad si JC Santos o mas kilala na ngayon bilang si Ali sa seryeng Till I Met You sa PETA Theater at hindi na pinanood ang “Ako Si Josephine” gayung ang aga-aga pala niyang dumating sa venue.

Pagkatapos kasing mainterbyu si JC ng TV reporters ay kaagad na siyang nawala at nalaman namin na planong manood talaga ng baguhang aktor dahil isa sa cast ay girlfriend niya, si Teetin Villanueva na gumanap bilang si HeleNa na kaibigan ni Josephine.

Kaso, mukhang hindi pa handa si JC na ilantad si Teetin sa media kaya kaagad na siyang umiwas.

Ang kuwento sa amin ng source, “E, kasi bago palang si JC, so ayaw muna niyang ma-associate sa iba at saka baka makaapekto sa role niya sa Till I Met You. O, baka bilin ng manager niya na huwag muna iharap ang girlfriend sa publiko.”

Simple lang ang beauty ni Teetin Villanueva kaya naalala namin ang kuwento ng kaibigan naming nakasama ni JC sa Hongkong Disneyland (kung saan siya nagtrabaho roon bilang singer-dancer) na hindi raw mahilig sa sosyal o high maintenance ang baguhang aktor dahil simple rin siya in real life.

Hmmmmm, bagay naman sina JC at Teetin sa totoo lang.

At mukhang hindi nagpaalam si JC kay Teetin dahil pagkatapos ng show ay hinanap siya kaagad ng dalaga hanggang lumabas pa ito ng hallway at nakita naming nalungkot ito.

O, baka naman may taping ng Till I Met You nu’ng gabing ‘yun? Pero parang wala naman dahil nanood din ng “Ako Si Josephine” ang direktor nila sa serye na si Antoinette Jadaone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending