Michael kayod-kalabaw para sa anak
BINASAG na ng singer na si Michael Pangilinan ang kanyang katahimikan sa panggigipit na ginagawa ng ina ng kanyang anak na si Ezekiel. As much as possible ay ayaw na sanang magsalita ni Michael tungol dito.
Pero natanong siya ng ilang taga-media sa presscon ng napakalaking concert na pinamagatang “Powerhouse” na gaganapin sa The Theater ng Solaire Resort And Casino sa Oct. 28.
Sa tuwing ipapaalam kasi ni Michael na hihiramin niya si Ezekiel para dalhin sa bahay nila dahil miss na rin ng kanyang mga magulang ang bata, kung anu-ano ang idinadahilan nu’ng girl. Pati ang stepfather nu’ng girl ay ginagamit niyang dahilan para hindi maipahiram si Ezekiel kay Michael.
Kaya hayun, out of desperation na makita at makipiling ang kanyang unico hijo, idinaan na niya ito sa legal na paraan.
We just hope na hindi na umabot sa korte ang pagnanais ni Michael na makapiling ang kanyang anak at lawakan na lang ng pag-iisip ang kanyang ex-girlfriend na gawin ‘to para sa kanilang anak.
Kitang-kita naman kung paano nagsisipag si Michael sa kanyang career dahil sobrang inspired siya na mabigyan ng magandang kinabukasan si Ezekiel. Left and right ang kanyang singing engagements, concert at iba pa.
Most-requested ni Regine Velasquez na makasama si Michael sa kanyang mall tour for a telephone company sa Metro Manila and provinces. Impressed na impressed kasi ang Asia’s Songbird and her manager na si Cacai Velasquez-Mitra sa boses ni Michael.
Labas na rin ang single niya titled “Walang Hanggan” na noong una naming narinig ay na-feel na agad namin magiging hit na naman ito sa mahihilig sa OPM.
And then, kasama rin si Michael sa “Powerhouse” concert na tulad niyang world-class performers na sina Arnel Pineda, Morisette Amon at X-Factor UK finalist, ang The 4th Impact. Front act naman ang magandang si Mayumi, ang grand champion sa Jap-Pinoy Star Quest ng ABS-CBN at ang T.O.M.S Band.
“Powerhouse” concert will be on Oct. 28, 7:30 p.m. sa The Theater ng Solaire, produced by a group of friends of Solaire Resort & Casino na tinawag nilang Lucky 7 Koi Productions.
“May requested songs na po ako na kakatahin sa ‘Powerhouse’. Siguro po mag-a-add na lang po ako nu’ng mga kanta ko sa second album ko ngayon na available na sa lahat ng record bars. At siyempre, hindi po pwedeng mawala ‘yung mga gusto nilang marinig na mga kanta ko,” pahayag ni Michael.
Ang head ng Lucky 7 Koi Productions ay si Atty. Camelta Lozada na ang dream pala ay dalhin sa Pilipinas para mag-concert ang British singer na si Adelle at ang legendary diva na si Barbra Streisand.
Ang isa sa producers naman na si Mama Lily Chua ang dream makapag-produce ng malaking concert for her friend na si Erik Santos.
Luckily, wala silang ma-identify na hardest problem that they’ve encounter in putting up the “Powerhouse” concert from getting the artist down the line. Kahit ang puhunan ay ‘di rin naging probelma para sa kanila.
“And with your help (press), we know how to make gratitude to people who you help us, with your help, oh, God! You can make our dream come true. Make this first concert successful so, that, maybe as we could hold three or maybe four concerts a year at Solaire, once we make it successful,” say pa ni Atty. Lozada.
For sure, dudumugin ang “Powerhouse” concert sa tindin ng line-up ng performers, huh! Pwedeng tumawag sa Ticketworld at 891-9999 for tickets.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.