Chavit walang paki kung matsismis sa 2017 Miss Universe candidates
SPEAKING of Mama Lily Chua, along with her super nice rin na hubby na si Daddy Henry, kitang-kita sa view ng bonggacious na suite room nila sa Sky Tower ng Solaire ang malapit na malapit nang matapos na hotel na pag-aari ng Japanese tycoon na si Okada.
Si Okada ang isa sa mga napapabalitang business partners ng politiko at businessman na si Chavit Singson para sa pagdaraos ng Miss Universe sa ating bansa.
Bukod kay Okada, nabalita rin na ang iba pang kasosyo ni Chavit sa Miss Universe ay ang bilyonaryong si Henry Sy at si Tony Boy Cojuangco.
Pero agad namang nilinaw ni Chavit na ang nabanggit naming mga pangalan ay hindi naman talaga niya mga ka-partner sa pagpo-produce ng Miss Universe sa Pilipinas.
“Hindi (ko sila ka-partner), sila ang sponsors. Okada, yun ang brand name na gusto niya. Nag-commit na siya ng $4 million, baka dagdagan pa niya. Ang ka-partner niya si Tony Boy. Si Henry naman ang tutulong sa venue. Lahat ng casino natin tumulong para sa accommodations. So, konti na lang ang inaayos namin. Ako, very positive sa project na ‘to,” positibong lahad ni Chavit.
Aware rin si Chavit sa possibilities na matsismis siya na may affiliation with any of the candidates ng Miss U, “Hindi naman,” tanggi niya. “Ang ano ko lang diyan, marami akong nilapitan, walang nagkainteres. Noong nilapit nila sa akin, pumayag ako agad sapagkat alam ko maganda para sa ating bansa.”
Magaganap ang Miss Universe sa bansa on January, 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.