Liza sa nang-okray sa unano at kulot na karakter sa Dolce Amore: Ipagdarasal ko ang kaluluwa mo!
HINDI napigilan ng Kapamilya drama princess na si Liza Soberano na sagutin ang mensaheng ipinost ng isang netizen sa kanyang Twitter account kamakailan.
Ito’y may kinalaman sa natapos nang serye nina Liza at Enrique Gil na Dolce Amore sa ABS-CBN. Ang Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre ang pumalit sa timeslot nito.
A certain @BadGirlAudreyH ang nanlait sa ilang characters na ginamit sa Dolce Amore, at ikinumpara pa ito sa kuwento ng Till I Met You.
Sabi ni @BadGirlAudreyH, “Buti na lang, sina Direk at scriptwriters, hindi basta naglalagay ng utal, unano, kulot, etc na characters para masabing may verstility. #TIMYThirdWheel.”
Kung matatandaan, noong nagsisimula pa lang ang Dolce Amore, ang character ni Enrique na si Tenten ay may problema sa pagbigkas ng letter “S”. Meron din siyang kaibigang midget sa serye na ginampanan ni Miko Penaloza. At bago matapos ang Dolce Amore, isang batang babae ang ipinakilala sa pangalang Kulot.
Nang mabasa ni Liza ang nasabing tweet ay talagang nag-react ang dalaga at kinorek pa ang spelling sa kanyang mensahe, aniya, “Wow. Praying for your poor soul. Btw, it’s versatility.”
Bukod kay Liza, apektado rin si Miko Penaloza sa pang-ookray ng basher sa kanila. Sabi nito sa kanyang sunud-sunod na tweet, “Yes I’m a midget pero Head ako ng Knights of The Altar, a BS Psychology Graduate, a theater actor/Director.
“…e ikaw anu ka ba? Manlalait lang? At gustong i-hail ang mga idols. Pasalamat ako sa Diyos nd ako katulad mo. Siguro isa kang duwag na nilalang na nabuhay sa pagtatago kasi mas maliit ka pa sa akin noh? Unano ka din pala, e.
“…in addition Kaya kong magperform sa KIA Theater ng hindi nahihiya. Ikaw ba? Anung kaya mo bukod sa panlalait?”
“Hindi ako nainis sa tweet na un natawa nga ako. Gusto ko lang ipakilala ang unanong sinasabi nya hehehe!” tweet pa ng aktor.
Sa huli, humingi ng pasensya ang netizen at sinabing wala siyang intensiyong mang-insulto ng kapwa, “Sorry sa mga na offend ng tweet ko, hindi yun intensyon na makasakit or to spike a fandom war. Mali nga ang naging choices of words ko. Hindi ako baguhang fan para mag umpisa ng fandom war. Excuse me ni wala nga ako nirerepresent ng grupo o fanclubs ng JaDine.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.