Haters ni Kim Domingo mas lalong nagwala sa galit
NGITNGIT na ngitngit ngayon ang mga hater/basher ni Kim Domingo. Kasi naman, inilabas na rin ng dalaga ang kanyang talento sa pagkanta at pagsasayaw. Ito’y para patunayan na hindi lang pagpapaseksi ang kaya niyang gawin, huh!
Labas na kasi ang single ni Kim na “Know Me” under GMA Records na available na sa iTunes at Spotify, “Gusto ko rin naman i-share ang sikretong talent ko. I plan to surprise everybody lalo na’t sobrang sexy ng music video ko at sumasayaw pa ako.
“‘Yung tunog niya, pang-international. So hindi siya kagaya ng ibang song!” pagmamalaki ni Kim. Laban ka, Ervin S.?
Ang isa pang ipinagmamalaki ni Kim ngayon ay ang pagiging full-pledged leading lady niya. Siya ang kapareha ni Vhong Navarro sa possible entry sa Metro Manila Film Festival 2016 na “Mang Kepweng Returns”.
Kaya naman masasabing hindi na siya pwedeng lait-laitin at sabihing katawan at boobs lang ang puhunan niya para sumikat dahil meron din pala siyang ipagmamalaki pagdating sa kantahan at sayawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.