Palasyo dedma lang sa travel advisory ng US, Canada at Australia vs PH
HINDI na ikinagulat ng Palasyo ang ipinalabas na travel advisory ng ilang bansa laban sa Pilipinas matapos ang nangyaring pambobomba sa Davao City kung saan 14 ang namatay, samantalang mahigit 60 iba pa ang nasugatan.
Sa isang panayam sa Radyo ng Bayan, sinabi ni Presidential Communications Office head Secretary Martin Andanar na inaasahan na ng gobyerno ang mga abiso mula sa ilang bansa kung saan pinapayuhan ang kanilang mamamayan na umiwas sa pagpunta sa Pilipinas
“Ganyan naman talaga ‘di ba, ‘pag may nangyayari [ay] naglalabas naman ng travel advisories iyong mga bansang America, usually, Canada at Australia. So iyan, wala namang bago diyan. Talagang it’s also their duty to advise their citizens who are traveling to be careful,” sabi ni Andanar.
Samantala, sinabi ni Andanar na walang dahilan para humingi ng tulong ang gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at MNLF) para mahuli ang nasa likod ng nangyaring pambobomba.
“Sa ngayon ay may kapasidad po ang Philippine National Police at ang Armed Forces of the Philippines, ito rin ay base na rin po sa deklarasyon ng ating Pangulo, ang kaniyang pag-pronounce nitong State of Lawlessness. So for now, the authorities that we have right now are … tamang-tama lang ‘no; kayang-kaya nila ang trabaho,” giit ni Andanar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.