Pulis pinaghahanap na ang 3 katao kaugnay ng pambobomba sa Davao City | Bandera

Pulis pinaghahanap na ang 3 katao kaugnay ng pambobomba sa Davao City

- September 04, 2016 - 04:57 PM
davao-explosion-AP PINAGHAHANAP na ng pulisya ang tatlong katao na wanted para sa interogasyon kaugnay ng pambobomba sa isang night market sa Davao City. Kabilang sa mga pinaghahanap ng mga pulis ay dalawang babae at isang lalaki, kung saan  ang bandidong Abu Sayyaf ang itinuturong nasa likod ng pambobomba, ayon kay Chief Inspector Andrea de la Cerna Idinagdag ni de la Cerna na posibleng ganti ng Abu Sayyaf ang ginawang pag-atake sa harap naman ng operasyon ng militar sa Jolo, Sulu, na kilalang kuta ng teroristang grupo. Iginiit naman ni de la Cerna, na tumatayo ring spokeswoman ng task force na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng nangyaring pagsabog, na hindi rin nila isinasantabi ang iba pang motibo ng pag-atake. “We have copies of the CCTV (closed-circuit television), we have eight possible witnesses but we have named no one (as suspects),” sabi ni de la Cerna. Niliwanag naman niya na hindi pa kinukunsiderang mga suspek ang tatlong pinaghahanap, bagamat hindi na nagbigay ng iba pang detalye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending