Onyok nag-iipon para sa iskul: Tsaka po magnenegosyo kami at bibili ng bahay! | Bandera

Onyok nag-iipon para sa iskul: Tsaka po magnenegosyo kami at bibili ng bahay!

Julie Bonifacio - September 04, 2016 - 12:10 AM

coco martin at onyok

Photo courtesy of cocomartin.ph

FOR the first time ay na-meet namin in person ang bagong child sensation sa telebisyon na si Xymon Ezekiel Pineda or more popularly known bilang si Onyok sa hit drama-series na Ang Probinsyano sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Hindi lang pala siya nakakatuwa sa TV every time nag-uusap sila ng bida sa serye na si Coco Martin. Mahusay pala talaga siyang sumagot at magbigay ng opinyon kahit wala sa harap ng kamera gaya na lang noong makausap namin siya sa solo presscon na binigay sa kanya ng owner ng Hammerhead shirts na si Mr. Mario Ong.

Si Onyok ang latest celebrity endorser ng nasabing clothing brand at ni hindi man lang nagdalawang-isip sa pagsagot ng ‘oo’ si Onyok nu’ng tinanong namin siya kung alam ba niya na sikat siya at masaya raw siya sa pagiging sikat.

Kahit nagti-taping si Onyok halos araw-araw, tuloy pa rin pala ang kanyang pag-aaral. Nagho-home study ngayon ang bata. Siyempre, happy si Onyok na maging endorser ng Hammerhead. “Opo, kasi mababait po sila gaya po ni Sir Mario. Binibigyan po nila ako ng damit. Tapos love po nila ako,” sabi ni Onyok.

Iipunin daw nila ng mama niya ang ipinangbayad sa kanila ng Hammerhead bilang talent fee. “Unang-una po, pang-school ko. Tapos magbi-business kami. Tapos ‘yun na, bahay na,” kwento ni Onyok.

Tinanong ulit namin si Onyok kung hindi ba niya wini-wish na sana’y bigyan na lang siya ng bahay ng kanyang Kuya Coco. “Sinasabi ko nga po dati doon sa TV Patrol, e, hindi niya nagawa ‘yung kotse, e, kami na lang po bumili.

Kaya kasasabi ko, kapag hindi nabili ni Kuya Coco, kami na lang ang bibili,” lahad ni Onyok. If ever, Ford Everest ang type na sasakayan ni Onyok.

“E, kasi po lagi kaming napapagod pag naglalakad po kami, tapos magta-taxi po kami, magastos,” diin pa niya. Say naman ni Mr. Mario Ong, wino-workout nila na sabay na makapag-promote ng Hammerhead si Onyok at ang isa pa nilang endorser na si Arjo Atayde na kasali rin sa Ang Probinsyano.

“Kapag magkakaroon ng tour maybe dalawa sila sabay if possible. Kaya ini-explore ko itong September, usually kapag October may kid’s fair ang mga mall. So, at least malaking factor din naman, exposure niya, exposure ng brand. Parang ano ‘yan, e, before the kids’ fair or ongoing siya. ‘Yun ang target namin sa lahat halos ng mall,” sabi pa ni Mr. Ong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending