Baron sawa nang makipag-away sa kapwa celebrity kaya pati si Duterte binalahura
NAKAKADISMAYA na talaga ang mga kalokohang pinaggagagawa ni Baron Geisler. Tumaas na nang tumaas ang kanyang kagustuhang makakuha ng atensiyon dahil maging ang ating pangulo ay kinakalampag na niya.
Ano na kaya ang nangyayari sa magaling pa naman sanang aktor na ito at hindi pa siya nagkasya sa pakikipag-away sa kung kani-kanino sa mga bar na pinupuntahan niya, pati si Pangulong Rodrigo Duterte ay hinahamon na rin niyang magpa-drug test ngayon, pinuntirya rin niya ang anak ng presidenteng si Baste.
Hindi na siguro ang paglalasing ni Baron ang kailangang pagbuntunan ng sisi at pagdududa kung bakit siya nagkakaganyan ngayon. Iba na ang takbo ng kanyang utak.
Wala na siyang sinisino, wala na siyang nirerespeto, parang lahat na lang ng tao ay kinakayan-kayanan niya. Napakalakas ng loob niyang hamunin ang pangulo? Nasa tamang huwisyo pa ba ang taong ito?
Ginagawa na lang laro ni Baron Geisler ang buhay, nakakapag-isip tuloy kung pinagsawaan na rin ba siyang pangaralan ng sarili niyang pamilya, kaya siya nagkakaganyan.
May punto ang katwiran ng marami na nangangailangan na ng professional medical help si Baron, dahil kung maayos ang kanyang pag-iisip, hindi siya aabot sa ganyan na pati ang pinakamataas na opisyal ng ating bayan ay makakaya na niyang balahurain.
Maagapan na sana agad si Baron Geisler bago pa mahuli ang lahat. Kailangan na niya ng tulong, ng atensiyon, para magawan ng paraan ang mga kalokohang pinaggagagawa niya ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.